Sa patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police na mailapit ang serbisyo sa mamamayan, pormal na inilunsad ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR) ang SAFE (Seen, Appreciated, Felt, and Extraordinary) NIR Dial 911 Program sa Bacolod City Police Office noong Hunyo 4, 2026.
Pinangunahan ni PBGen Rimano V CardiƱo, Acting Regional Director ng PRO-NIR, ang paglulunsad ng programa na naglalayong magbigay ng mas mabilis at mas episyenteng serbisyong pangkaligtasan para sa bawat mamamayan sa Negros Island Region.
Bilang isa sa mga pangunahing inisyatiba ni PBGen CardiƱo, ang SAFE NIR Dial 911 ay sumasalamin sa makabagong pamamaraan ng pagpapatupad ng batas kung saan ang pulisya ay mas nakikita, mas nararamdaman, at mas napapakinabangan ng komunidad. Layunin nitong tiyakin na ang bawat tawag para sa tulong ay agarang matutugunan upang makapagligtas ng buhay, makaresponde sa mga insidente, at makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo publiko.
Ang programang ito ay hindi lamang isang emergency hotline kundi isang simbolo ng mas matatag na ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng mamamayan. Sa pamamagitan ng teknolohiya at pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor ng lipunan, pinatitibay nito ang tiwala ng publiko at ang sama-samang responsibilidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBGen CardiƱo na ang SAFE NIR Dial 911 ay isang hakbang tungo sa mas ligtas at mas handang komunidad kung saan ang tulong ng pamahalaan ay mas mabilis na naaabot ng mga nangangailangan.
Sa paglulunsad ng SAFE NIR Dial 911, muling pinatunayan ng PRO-NIR ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod, pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, at pagsusulong ng isang ligtas, maayos, at matatag na Negros Island Region. Isang tawag lamang, at ang pulisya ay handang umaksyon para sa kaligtasan ng bawat isa.
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos
Source: PRO Negros Island Region



