SWAT Team, agarang rumesponde sa natirikang sasakyan sa Camarines Sur

0
187

Muling pinatunayan ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) ang pagiging maagap, mapagkalinga, at handang maglingkod sa publiko matapos agad na magbigay ng tulong ang mga tauhan ng SWAT Team sa isang motoristang nakaranas ng aberya sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Palestina, Pili, Camarines Sur, noong Hunyo 3, 2026.

Habang nagsasagawa ng police visibility at mobile patrol operations sa ilalim ng programang “Patnubay Ligtas Maharlika”, napansin ng mga operatiba ng SWAT Team ang isang L300 van na nakahinto sa gilid ng kalsada dahil sa depektibong baterya. Sa pamamagitan ng pinaigting na pagbabantay at presensya ng kapulisan sa mga pangunahing lansangan, agad na natukoy at narespondehan ang naturang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng motorista at maiwasan ang posibleng paglala ng insidente.

Kaagad na nagsagawa ang mga pulis ng jump-starting procedure gamit ang kanilang patrol vehicle. Sa pamamagitan ng mabilis at maayos na koordinasyon, matagumpay na napaandar muli ang sasakyan, dahilan upang ligtas na maipagpatuloy ng motorista ang kanyang biyahe.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang motorista sa agarang aksyon at tulong na ipinagkaloob ng mga kapulisan. Ayon sa kanya, malaki ang naitulong ng presensya ng mga pulis upang maiwasan ang matagal na pagkaantala at iba pang posibleng panganib habang nasa lansangan.

Ang agarang aksyong ito ay bahagi ng pagpapatupad ng PNP Focused Agenda na nakatuon sa pagpapalakas ng police presence, community engagement, at responsive policing. Ito ay sumasalamin sa layunin ng Patnubay Ligtas Maharlika, isang flagship program ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director ng PRO 5, na naglalayong palakasin ang police visibility, paigtingin ang public safety measures, at tiyakin ang agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga motorista at biyahero sa mga pangunahing kalsada ng rehiyon.

Ang inisyatibong tulad ng Patnubay Ligtas Maharlika ng PRO5 ay nakaangkla sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply