PBGen Badua, nagsagawa ng command visit at inspection sa Sta. Lucia MPS, Ilocos Sur

0
145

Nagsagawa si PBGen Jovencio S. Badua, Acting Regional Director ng Police Regional Office 1 (PRO 1), ng Command Visit at Station Inspection sa Sta. Lucia Municipal Police Station, Ilocos Sur, noong Hunyo 3, 2026.

Layunin ng naturang inspeksyon na suriin ang antas ng internal discipline, tiyakin ang kalinisan at kaayusan ng pasilidad ng himpilan, at alamin ang kahandaan ng mga tauhan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Sa isinagawang presentation of ranks, ipinakita ng mga tauhan ng Sta. Lucia MPS ang mataas na antas ng propesyonalismo, disiplina, at dedikasyon sa kanilang serbisyo para sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

Binigyang-diin ni PBGen Badua ang kahalagahan ng pagpapanatili ng disiplina, integridad, at kahandaan ng bawat miyembro ng kapulisan upang higit na mapalakas ang tiwala ng mamamayan sa Philippine National Police.

Ang pagbisita ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PRO 1 na masiguro ang epektibong pagpapatupad ng mga programa at polisiya ng PNP, gayundin ang pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng serbisyo publiko sa lahat ng himpilan ng pulisya sa rehiyon.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: PRO1

Leave a Reply