Dumalo si Police Colonel Dennis L. De Leon, Officer-in-Charge ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), sa pagpupulong ng Liga ng mga Barangay na ginanap noong Hunyo 4, 2026 sa Lingayen Municipal Hall, Lingayen, Pangasinan. Kasama niya sa nasabing aktibidad si Police Lieutenant Colonel Junmar C. Gonzales, Chief of Police ng Lingayen Municipal Police Station.
Sa pulong, tinalakay ang mga hakbang upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at mga opisyal ng barangay para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programang pangkapayapaan, mga inisyatiba laban sa krimen, at iba pang gawaing nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.
Binigyang-diin ni PCol De Leon ang mahalagang papel ng mga barangay bilang pangunahing katuwang ng Philippine National Police sa pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad. Aniya, ang matibay na ugnayan, bukas na komunikasyon, at sama-samang pagkilos ay susi sa pagbuo ng mas ligtas at mas maayos na mga pamayanan.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal at iba pang stakeholder, nananatiling nakatuon ang Pangasinan PPO sa pagpapalakas ng community partnership bilang mahalagang sandigan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong lalawigan.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Pangasian PPO



