Dalawang drug personalities, arestado sa PRO3; Php2.7M shabu, nasamsam sa Pampanga at Nueva Ecija

0
106

Nagpamalas muli ng matatag na kampanya kontra ilegal na droga ang Police Regional Office 3 (PRO3) matapos maaresto ang dalawang drug personalities at nakasamsam ng mahigit 410 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang Php2.79 milyon sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Pampanga at Nueva Ecija.

Sa isinagawang operasyon noong Hunyo 1, 2026 sa Brgy. San Jose, City of San Fernando, Pampanga, matagumpay na nadakip ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 3 (RPDEU3) at Regional Special Operations Group 3 (RSOG3), katuwang ang San Fernando City Police Station at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3, ang isang 45-anyos na lalaki na kabilang sa talaan ng mga HVI. Nasamsam mula sa kanya ang humigit-kumulang 350 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php2.38 milyon, buy-bust money, isang cellphone, at iba pang ebidensiya.

Samantala, noong Mayo 31, inaresto rin ng mga operatiba ng Talavera Municipal Police Station ang isa pang HVI sa Brgy. San Miguel na Munti, Talavera, Nueva Ecija. Nakumpiska sa 30-anyos na delivery rider mula Pasig City ang tinatayang 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php408,000.

Pinuri ni PBGen Jess B. Mendez, Regional Director ng PRO 3, ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at iginiit ang patuloy na pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga. Ayon sa kanya, “The arrest of these High-Value Individuals and the substantial volume of illegal drugs removed from circulation reflect the effectiveness of our intelligence-driven operations and the dedication of our personnel on the ground. We will continue to pursue drug personalities relentlessly and strengthen our efforts to protect our communities from the harmful effects of illegal drugs.”

Mananatiling matatag ang PRO3 sa pagsuporta sa kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng mahigpit at makataong pagpapatupad ng batas, alinsunod sa PNP Focused Agenda at sa adbokasiyang ‘Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.’

Source: PRO 3

Leave a Reply