Drug personality, arestado sa Dumaguete City; Php680K halaga ng shabu, nakumpiska

0
141

Arestado ang isang drug personality at nakumpiska ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php680,800.00 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Cadawinonan, Dumaguete City, Negros Oriental, noong ika-1 ng Hunyo 2026.

​Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Dumaguete City Police Station na nagresulta sa pagkakarekober at pagkakaaresto kay alyas “Jun-Jun,” 50 taong gulang.

Nakuha sa kanyang posesyon ang ilang sachet ng ilegal na droga, buy-bust money, at isang sling bag.

​Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

​Ang matagumpay na operasyon sa ilegal na droga ay malinaw na repleksyon ng PNP Focused Agenda, partikular na sa ilalim ng Aggressive Operations Against Illegal Drugs at Operational Efficiency.

Sa pamamagitan ng pag-asinta sa mga tinaguriang “big fish” o sa mga drug personality, masusugpo nito ang supply ng droga nang sa ganoon ay matiyak ang kaligtasan ng komunidad at ang kinabukasan ng kabataan. Ang ganitong inisyatiba ay alinsunod sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Leave a Reply