Davao de Oro PNP, nakiisa sa Mobile Community Support Sustainment Team

0
1111

Nakiisa ang mga tauhan ng Davao de Oro Police Provincial Office sa Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isinagawang send-off ceremony para sa Mobile Community Support Sustainment Team (MCSST) noong Hunyo 1, 2026, sa Provincial Capitol Grounds,

Ang Mobile Community Support Sustainment Team ay binubuo ng 33 na tauhan, kabilang ang 27 sundalo mula sa 25th Infantry Battalion ng AFP at anim na pulis mula sa Davao de Oro PPO.

Nabatid na itatalaga ang grupo sa mga Geographically Isolated at Disadvantaged Areas (GIDAs) ng Barangay Ngan sa Compostela, Barangay Andap sa New Bataan, at Barangay Tagnanan sa Mabini.

Sa mensahe ni Police Colonel Cesario D Dukiling Jr., Provincial Director ng Davao de Oro PPO, ipinahayag nito ang buong suporta ng tanggapan sa nasabing inisyatiba at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, mga lokal na pamayanan, at iba pang stakeholder upang mapanatili ang mga tagumpay sa usaping pangkapayapaan at matiyak na mananatiling insurgency-free ang lalawigan ng Davao de Oro.

Layunin ng pagpapadala ng Mobile Community Support Sustainment Team na mapalakas ang presensya ng pamahalaan sa mga liblib na komunidad, mailapit ang mga pangunahing serbisyo sa mamamayan, matugunan ang kanilang mga pangangailangan, at higit pang mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at kaunlaran sa buong Davao de Oro na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply