Davao del Sur PNP, nagsagawa ng Tree Planting at Clean-up Drive

0
46

Nagsagawa ng tree planting at clean-up drive ang bumubuo ng Davao del Sur Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Leo T Ajero, Provincial Director sa kahabaan ng Mt. Apo Park, Brgy. Kapatagan, Digos City, Davao del Sur nito lamang Mayo 27, 2026.

Sama-samang nagsagawa ang mga kalahok ng paglilinis sa paligid, pag-aalis ng mga damo at basura, gayundin ang pagtatanim ng 55 tinikaran seedlings.

Binigyang-diin ng Davao del Sur PNP na mahalagang bahagi ng kanilang mandato ang serbisyo sa komunidad at pangangalaga sa kapaligiran, kasabay ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan na adhikain sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply