CICL Sex offender, huli sa Del Gallego manhunt operstion

0
732

Matagumpay na naaresto ng Kaogma Cops ang isang 17-anyos na Child in Conflict with the Law (CICL) sa isinagawang manhunt operation bandang alas-10:00 ng umaga noong Mayo 28, 2026 sa Sitio Bakawan, Brgy. Pasay, Del Gallego, Camarines Sur.

Ang nasabing CICL ay may kinakaharap na dalawang bilang ng kasong statutory rape sa ilalim ng Art. 266-A No. (1D) kaugnay ng Art. 266-B at 266-B (5) ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansang Php 400,000.00 bawat bilang ng kaso.

Isinagawa ang operasyon alinsunod sa umiiral na police operational procedures at naitala gamit ang dalawang Alternative Recording Devices (ARDs) bilang bahagi ng transparency at accountability ng operasyon.

Matapos maaresto, agad na ipinaalam sa CICL ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Saligang Batas bago pansamantalang dinala sa Juvenile Holding Area ng himpilan at kalauna’y itinurn-over sa MSWD sa pamamagitan ng WCPD.

Pinuri ni PCol Virgilio O Olalia, Jr., Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office, ang mabilis at propesyonal na pagtugon ng Del Gallego MPS sa matagumpay na operasyon.

Ayon sa kanya, ang naturang accomplishment ay patunay ng mas pinaigting na kampanya ng Camarines Sur PPO laban sa mga wanted persons alinsunod sa mandato ng Chief, PNP sa ilalim ng Focused Agenda, partikular na sa Enhanced Managing Police Operations na naglalayong palakasin ang episyente, disiplinado, at makataong pagpapatupad ng batas.

Dagdag pa ni PCol Olalia, nananatiling tapat ang Kaogma Cops sa adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na operasyon laban sa kriminalidad at patuloy na pangangalaga sa seguridad at kapakanan ng mamamayan sa lalawigan ng Camarines Sur.

Leave a Reply