Arestado ang isang babae matapos mahuling nagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Bocaue Municipal Police Station sa Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan noong Mayo 29, 2026.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Gilbert C Diaz, Chief of Police ng Bocaue MPS, ang suspek na si alyas “Ejok,” residente ng Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan.
Sa isinagawang operasyon, matagumpay na nakabili ang mga awtoridad ng hinihinalang shabu kapalit ng isang pirasong marked money na nagkakahalaga ng Php1,000. Nakumpiska rin mula sa suspek ang walong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu kabilang ang buy-bust item, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 17 gramo at may standard drug price na Php115,600.00, isang digital weighing scale, at isang black coin purse. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na isinusulong ng Bocaue PNP ang kanilang mandato na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan bilang bahagi ng adhikain ng Philippine National Police, alinsunod sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

