Kusang-loob na sumuko ang tagasuporta ng Dawlah Islamiya-Maute Group sa mga awtoridad nito lamang Mayo 26, 2026 sa Barangay Liong, Bayang, Lanao del Sur.
Nabatid na ang sumuko ay isang residente ng Tubaran, Lanao del Sur. Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pag-turn over ng isang M16A1.
Naging matagumpay ang pagsuko ng Dawlah Islamiya-Maute Group supporter dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng AFP at PNP tungo sa pagsugpo ng insurhensya at terorismo sa bansa na naaayon sa layunin at mantra ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”



