Php136M shabu, nasamsam sa Naga City; 2 HVT, arestado

0
82

Arestado ang dalawang High-Value Target (HVT) matapos makuhanan ng mga operatiba ng tinatayang Php136 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Uling, Lungsod ng Naga, Cebu noong Mayo 23, 2026.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Dexter M Calacar, Chief of Police ng Naga City Police Station, ang operasyon ay pinangunahan ng Cebu Police Provincial Office at PDEA Cebu katuwang ang iba’t ibang law enforcement units.

Nasamsam mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 20 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa vacuum-sealed packs at nakatago sa Chinese tea bags, buy-bust money, mga cellphone, at isang sasakyan.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang matagumpay na operasyon at ang matibay na koordinasyon ng mga ahensya laban sa iligal na droga alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.”

Leave a Reply