Top 4 Regional Most Wanted Person, arestado sa kasong Sexual Assault sa Cebu City

0
69

Naaresto ng mga operatiba ng Cebu City Police Station 9 ang Top 4 Most Wanted Person Regional Level sa isinagawang operasyon sa V. Rama Avenue, Barangay Guadalupe, Cebu City dakong 5:50 ng hapon noong Mayo 21, 2026.

Ayon kay Police Captain Venstine Ponce Bontilao, Officer-In-Charge ng Cebu City Police Station 9, dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 2 ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 5(b) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel George V Ylanan, City Director ng Cebu City Police Office, upang matiyak na mapanagot sa batas ang mga nagtatagong akusado bilang bahagi sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.”

Leave a Reply