Top 1 Most Wanted Person sa Laoag, naaresto sa bayan ng Apayao

0
240

Naaresto ang Top 1 Most Wanted Person sa Laoag sa kasong panggagahasa, sa isinagawang operasyon noong Mayo 18, 2026, sa Purok 6, Brgy. Quirino, Luna, Apayao.

Ang operasyon ay isinagawa ng Tracker Team ng Laoag City Police Station sa pangunguna ni PLt Kingsley M Ulit, Warrant Officer, sa ilalim ng superbisyon ni PLtCol Ryan M Retotar, OIC, katuwang ang Luna Municipal Police Station ng PROCOR, PIT Ilocos Norte, at 1st INPMFC.

Kinilala ang naarestong suspek na si Ludivico Mangrubang y Atiga, may asawa, walang trabaho, residente ng Brgy. 58 Casili, Laoag City, Ilocos Norte. Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas at nilagdaan ni Hon. Dinah Myrtle Morales Pacquing, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 11, Laoag City, Ilocos Norte.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 266-A kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code na inamyendahan ng RA 8353 at RA 11648, kabilang ang Rape at Rape by Sexual Assault na may kaugnayan sa Criminal Case Nos. 21311 at 21313 na may petsang Mayo 14, 2026.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Gov. Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital para sa medical examination bago ito itinurn over sa korte na naglabas ng warrant.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Laoag City PS

Leave a Reply