Wanted Person sa Balamban, timbog; Ilegal na droga at baril, nasamsam

0
1799
Screenshot

Naaresto ng mga operatiba ng Balamban Municipal Police Station ang isang wanted person kasunod ng naganap na armadong engkuwentro sa Barangay Biasong, Balamban, Cebu noong Mayo 17, 2026.

Kinilala ni PLtCol Ruel L Burlat, Acting Chief of Police ng Balamban MPS, ang suspek na si “Jey,” 27 anyos, na may kasong Qualified Theft at may piyansang Php40,000.

Ayon sa pulisya, nagtungo ang mga operatiba sa lugar upang isilbi ang warrant of arrest ngunit umano’y pinaputukan sila ng mga armadong kasamahan ng suspek kabilang ang kanyang kapatid, dahilan upang magkaroon ng palitan ng putok.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng dalawang suspek habang isa pa ang nakatakas. Isa ring pulis ang nasugatan ngunit nasa maayos na kondisyon.

Sa isinagawang pagproseso ng SOCO, narekober ang isang kalibre .45 na pistola, dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 10 gramo na nagkakahalaga ng Php68,000, mga bala, cellphone, holster, IDs, gloves, at cash money.

Pinuri ni Abubakar Udang Mangelen Jr., Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office, ang mga operatiba sa kanilang katapangan at propesyonalismo habang nagpapatuloy ang follow-up operations laban sa natitirang suspek alinsunod sa hangarin ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.”

Leave a Reply