Libreng sakay, inilunsad ng Pilar MPS

0
1622

Sa layuning makapagbigay ng agarang tulong at masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero, nagsagawa ng “Libreng Sakay” assistance ang mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station noong Mayo 17, 2026 sa Barangay Calongay, Pilar, Sorsogon.

Sa pangunguna ni PMaj Voltaire Jun J Pedido, agad na rumesponde ang kapulisan matapos makaranas ng mechanical breakdown ang isang pampasaherong bus habang bumibiyahe sa nasabing lugar.

Nagbigay ang mga pulis ng libreng transportasyon o “Libreng Sakay” sa mga na-stranded na residente ng Barangay Calongay, Pilar, Sorsogon, gayundin upang makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng mga residente sa nasabing lugar.

Ipinakita ng naturang hakbang ang malasakit at maagap na serbisyo ng kapulisan sa publiko, alinsunod sa adhikain ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas na may serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman ng mamamayan.

Leave a Reply