Matagumpay na naaresto ng Tracker Team ng Iriga City Police Station sa pangunguna ni PLtCol Jeric Don P. Sadia, Acting Chief of Police, ang isang City Most Wanted Person na itinalaga bilang Rank No. 4 sa isinagawang manhunt operation noong Mayo 16, 2026 sa Brgy. San Agustín, Iriga City.
Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa paglabag sa Article II, Section 11 ng Republic Act No. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 59, Iriga City noong Mayo 14, 2026 nang walang inirekomendang piyansa.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya ayon sa talaan ng CIRAS na dati na rin itong nasangkot sa kaparehong kaso kaugnay ng paglabag sa R.A. 9165. Maayos na naidokumento ang pagpapatupad ng warrant gamit ang Alternative Recording Device (ARD).
Patuloy namang pinaiigting ng Iriga City Police Station ang kampanya laban sa mga wanted person at ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad, alinsunod sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



