Community Outreach Program ng Pangasinan 2nd PMFC, umarangkada

0
554

Umarangkada ang Community Outreach Program ng mga tauhan ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company sa mga senior citizen ng Brgy. San Vicente, Rosales, Pangasinan, nito lamang Mayo 14, 2026.

Ang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Richard Q Agrade, Force Commander, at namigay ng 10 toilet bowls at 100 pares ng tsinelas.

Ang aktibidad ay naglalayong tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa kalinisan at magbigay ng makabuluhang tulong sa mga pamilya, partikular na sa mga senior citizen, na may limitadong access sa tamang comfort room facility at iba pang mahahalagang pangangailangan.

Sa pamamagitan ng simple ngunit makabuluhang inisyatiba, ang mga benepisyaryo ay nabigyan hindi lamang ng materyal na suporta kundi pati na rin ng pangangalaga at pakikiramay na nagpapataas ng kanilang dignidad at kagalingan alinsunod sa layunin ng organisasyon na Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

Leave a Reply