Isinagawa ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng University of Mindanao at pamunuan ng Davao City Police Office sa Board Room ng University of Mindanao – Bolton Street Campus sa Lungsod ng Davao nito lamang Mayo 13, 2026.
Sa pangunguna ni Police Colonel Peter Bauzon Madria, City Director ng Davao City Police Office, nilagdaan ang Memorandum of Understanding sa University of Mindanao na pinangunahan ni Mr. Guillermo P. Torres Jr.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, magsasagawa ang University of Mindanao ng isang policy-oriented research study kaugnay ng iminungkahing ordinansa na nag-uutos sa mga rider at back rider ng motorsiklo na alisin ang kanilang helmet bago pumasok sa mga establisimyento.
Ayon kay PCol Madria, mahalaga ang kolaborasyon sa pagitan ng law enforcement at akademya upang matiyak na ang mga ipatutupad na polisiya ay nakabatay sa masusing pag-aaral at tunay na pangangailangan ng mamamayan.
Ipinapakita rin ng hakbang na ito ang patuloy na dedikasyon ng Davao City PNP sa pagsusulong ng makabago at makabuluhang pamamaraan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan sa lungsod na may layuning makalikom ng sapat na datos at pag-aaral na magsisilbing batayan sa pagbuo ng mga polisiya at ordinansang makatutulong sa pagpapatibay ng seguridad publiko, pag-iwas sa kriminalidad, at pagpapalakas ng tiwala at kooperasyon ng komunidad sa kapulisan na nauugnay sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.



