Sarangani PNP, nakiisa at nagbigay seguridad sa 38th Patronal Fiesta ng San Isidro Labrador

0
424

Nakiisa ang mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Office (SPPO) sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Jerone O Panganiban, Provincial Director, sa isinagawang Solemn Foot Procession bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-38 Patronal Fiesta ng San Isidro Labrador Parish noong Mayo 14, 2026 sa bayan ng Alabel, Sarangani Province.

Nagbigay ng seguridad at assistance ang kapulisan upang matiyak ang maayos at mapayapang pagdaraos ng nasabing aktibidad.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng San Isidro Labrador Parish. Kabilang sa mga nakiisa ang Local Government Unit (LGU) ng Alabel, Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Philippine Coast Guard Auxiliary, at iba’t ibang civic organizations.

Ang San Isidro Labrador Parish ang pangunahing simbahang Katoliko at patron saint parish ng Alabel sa ilalim ng Diocese of Marbel. Pinararangalan nito si San Isidro Labrador o St. Isidore the Farmer, na kinikilalang patron ng mga magsasaka at manggagawang pang-agrikultura.

Taun-taong ipinagdiriwang tuwing Mayo 15 ang kapistahan ng bayan bilang pagbibigay-pugay sa kanilang patron saint. Matatagpuan ang simbahan sa kahabaan ng Magsaysay Street, Barangay Poblacion, Alabel, kung saan regular ding idinaraos ang mga misa at iba pang gawaing panrelihiyon.

Ang aktibidad ay sumasalamin sa patuloy na pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at pagkakaisa ng komunidad sa pagdaraos ng mahahalagang gawaing panrelihiyon at pangkultura sa lalawigan na naaayon sa mantra na Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

Leave a Reply