Php1.36 milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa Bacolod City; HVI arestado

0
28

Arestado ang isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang drug buy-bust operation kung saan nakumpiska ang tinatayang nasa Php1.36 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Purok Lison, Barangay 1, Bacolod City nitong madaling araw ng Mayo 15, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ramel,” residente ng nasabing lugar. Siya ay naaresto ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa pangunguna ni PLtCol Albert Sy, sa ilalim ng pamumuno ni PCol Eugene N. Rebadomia, City Director ng Bacolod City Police Office.

Binigyang-diin ng Bacolod City Police Office na ang sunod-sunod na anti-drug operations ay patunay ng kanilang matibay na determinasyon na protektahan ang mamamayan laban sa masamang epekto ng ilegal na droga na kadalasang nagiging ugat ng iba’t ibang krimen, pagkasira ng pamilya, at pagkawasak ng kinabukasan ng kabataan.

Samantala, hinihikayat naman ng Philippine National Police ang publiko na manatiling mapagmatyag at suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad tungo sa katuparan ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Leave a Reply