Ilegal na baril at bala, nasamsam sa search warrant ng San Jose Del Monte PNP

0
21

Nasamsam mula sa isang indibidwal sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng San Jose del Monte City Police Station at 24SAC, 2SAB, PNP-SAF ang pagpapatupad ng search warrant bandang 9:50 ng umaga sa Brgy. San Pedro, City of San Jose Del Monte, Bulacan, noong Mayo 14, 2026.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Reyson M Bagain, Chief of Police ng San Jose del Monte City Police Station, kinilala ang naarestong suspek na si alias “Jes” na naaresto sa bisa ng Search Warrant No. 62-M-2026.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber 9mm pistol na walang serial number at markings, tatlong pirasong live ammunition ng caliber 9mm, isang magazine, at isang sling bag.

Muling binigyang diin ni ni Police Colonel Jay Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, na patuloy na magsasagawa ang Bulacan PPO ng mas pinaigting na operasyon laban sa mga ilegal na armas at iba pang uri ng kriminalidad upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan na may layuning panatilihin ang serbisyo publiko para sa katuparan ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.

Leave a Reply