Narekober ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit Php3.9 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa naarestong limang big-time drug traffickers sa isinagawang magkakahiwalay na mga buy-bust operation sa lalawigan ng Cavite at Rizal kamakailan lamang.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 4A (PRO-4A), naaresto ng mga operatiba ng DasmariƱas Component City Police Station ang tatlong drug suspects na kinilala sa mga alyas na āOma,ā āRego,ā at āJejeā nito lamang Martes matapos umanong magbenta ang mga ito ng P1,000 halaga ng shabu sa isang undercover police operative sa Barangay Salitran 2, DasmariƱas City, Cavite.
Narekober mula sa mga suspek ang tatlong knot-tied plastic bags at isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng 300 grams ngĀ shabu na may halagang Php2,040,000 ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB).
Sa hiwalay na operasyon, naaresto rin ng mga operatiba ng Taytay Municipal Police Station ang isa pang HVI na kinilala bilang si āRojoā sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Barangay San Juan ng parehong bayan.
Narekober ng pulisya mula kay Rojo ang apat na heat-sealed plastic sachets at isang knot-tied plastic bag na naglalaman ng 180 grams ng hinihinalang shabu na may estimated DDB value na Php1,224,000.
Nahaharap naman ang limang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Muli namang pinatunayan ng PRO4A ang kanilang pinaigting na kampanya kontra sa lahat ng uri ng krimen partikular na sa ilegal na droga upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa rehiyon alinsunod sa mantra na āBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.ā



