R-PSB Team Palanas, nagkaloob ng Foldable Steel Crutches sa isang PWD sa Guinobatan, Albay

0
378
Screenshot

Patuloy na nagsasagawa ng humanitarian assistance activity ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB5) Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Palanas sa kabila ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Guinobatan, Albay, kung saan nagkaloob ang grupo ng foldable steel crutches kay G. Romeo Samaupan Sr., isang Person with Disability (PWD) at residente ng Brgy. Palanas ng nasabing lungsod nito lamang May 9, 2026.

Naisakatuparan ang naturang aktibidad sa pangunguna ni PCpl Rey Mark A. Esplana, katuwang ang mga Barangay Tanod ng lugar. Layunin nitong makatulong sa nasabing benepisyaryo lalo na sa pagpapabuti ng kanyang kalagayan at kakayahang makakilos nang mas ligtas, maginhawa, at may higit na kumpiyansa sa pagsasagawa ng mga pang-araw-araw na gawain.

Ang gawaing ito ay bahagi ng PNP Focused Agenda sa ilalim ng Community Support na nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa publiko at pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad upang matiyak na ang lahat ay uunlad at walang maiiwan. Layunin din ng inisyatiba na maipadama ang malasakit at tunay na serbisyo publiko ng kapulisan, lalo na sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong at suporta.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Erosito N. Miranda, Regional Director ng Police Regional Office 5, patuloy na pinagtitibay ng himpilan ang ugnayan ng pulisya at komunidad sa pamamagitan ng mga programang makatao at makabuluhan na siyang tunay na diwa ng “Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

Patuloy namang isinusulong ng PRO5 ang adhikain nitong maging isang maaasahan at makataong institusyon na nagsisilbi at nangangalaga sa mamamayan tungo sa isang ligtas at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply