Bagong panganak na sanggol na iniwan sa loob ng bao-bao, agad sinaklolohan at siniguro ang kaligtasan ng 2 pulis ng Caraga MPS

0
267

Walang sinayang na oras at agad na sinaklolohan at siniguro ang kaligtasan ng isang bagong panganak na sanggol na lalaki matapos madiskubre na iniwan sa loob ng bao-bao ng dalawang pulis ng Caraga Municipal Police Station sa Purok Rose, Barangay Poblacion, Caraga, Davao Oriental nito lamang Mayo 10, 2026.

Ayon kay Police Major Meliton J Sango, Chief of Police ng Caraga Municipal Police Station, nagising ang isang residente nang may narinig na malakas na iyak ng isang bata at tahol ng aso sa labas ng kanilang tirahan.

Agad namang lumabas ang naturang residente upang tingnan at tumambad ang bagong-silang na sanggol  sa loob ng naturang sasakyan at agad na nakipag-ugnayan sa pulisya.

Rumesponde ang dalawang naka-duty na pulis na kinilalang sina Police Staff Sergeant (PSSg) Clyde Y Drona at Police Corporal (PCpl) Roland I Bayon, at agad na kinarga upang masiguro ang kaligtasan ng naturang sanggol at dinala sa Municipal Health Center para sa atensyong medikal.

Nabatid na ang sanggol ay nai-turn over na sa MSWDO para sa tamang pangangalaga at disposisyon sa bata.

Isa lamang ito sa mga patunay na ang PNP ay palaging handa sa pagtulong at pagtugon sa tawag ng tungkulin para sa publiko, alinsunod sa mandatong maglingkod sa bayan anumang oras at panahon na nauugnay sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply