Top 4 Most Wanted ng Region 8, arestado ng PNP sa Leyte

0
117
Screenshot

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, ang Top 4 Most Wanted Person ng Police Regional Office 8 (PRO8) sa isinagawang operasyon kamakailan lamang sa Brgy. Apale, Isabel, Leyte.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Isabel Municipal Police Station ng Leyte Police Provincial Office sa bisa ng isang warrant of arrest dahil sa kasong tatlong bilang ng statutory rape nang walang piyansang inirekomenda at 11 counts ng rape by sexual assault.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng pulisya ang naarestong suspek bago pa man ito i-turn over sa korte.

“This arrest sends a clear message that those who commit grave offenses will not evade justice. Our men and women will continue to pursue offenders relentlessly, ensuring that communities remain safe and protected,” pahayag pa ni PGen Nartatez.

“Hindi kami titigil hangga’t hindi nahaharap sa hustisya ang mga taong lumalabag sa batas. Pananagutan nila ang kanilang ginawa,” dagdag pa niya.

Ipinapakita ng naturang operasyon ang malawakang pagpapatupad ng PNP Focused Agenda—isang strategic framework ng pagbabago na nakadesinyo upang magkaroon ng epektibong mga operasyong pampulisya para maipatupad nang maayos ang batas at matiyak ang kaligtasan ng publiko alinsunod din sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbiyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

“Operations like this demonstrate our firm resolve to uphold justice and protect the vulnerable sectors of society. We will continue to strengthen our capabilities to ensure that no criminal remains beyond the reach of the law,” pagbibigay-diin pa ni PGen Nartatez.

“Patuloy naming palalakasin ang aming kakayahan upang masigurong napapanagot ang mga salarin at napoprotektahan ang mamamayan,” giit pa niya.

Leave a Reply