Binunot at sinunog ang tinatayang Php6 milyong halaga ng marijuana sa ikinasang marijuana eradication operation ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Kibungan, Benguet nito lamang Abril 30, 2026.
Ayon kay Police Brigadier General Elmer E Ragay, Director ng PNP Drug Enforcement Group (DEG), naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Special Operations Unit CAR ng PNP DEG, Philippine Drug Enforcement Agency, Police Regional Office, Cordillera Administrative Region-Baguio-Benguet Provincial Office, Regional Drug Enforcement Unit CAR, at Kibungan Municipal Police Station.
Bagama’t walang nahuling marijuana cultivator, agad namang sinunog ang nasa 30,000 piraso ng marijuana plants na may standard drug price na aabot sa Php6,000,000 na nakatanim sa 3,000 square meters na lupain.
Binigyang-diin ni PBGen Ragay na ang operasyon ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng magkakasama at patuloy na pagbabantay sa pagtugon sa mga aktibidad na may kaugnayan sa iligal na droga, lalo na sa mga lugar na mahirap maabot ng mga awtoridad.



