Php102K halaga ng shabu, baril at bala, nasabat ng Surigao del Sur PNP; HVI, timbog

0
361

Nasabat ang tinatayang Php102,000 halaga ng hinihinalang shabu, baril at mga bala na nagresulta sa pagkakadakip ng isang High Value Individual sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Purok Mangga 2, Brgy. Purisima, Tago, Surigao del Sur, nito lamang Mayo 1, 2026.

Kinilala ni Police Colonel Jeffrey Lawrence Mauricio, Provincial Director ng Surigao del Sur Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Bodong,” 36, residente ng Brgy. Telaje, Tandag City.

Nabatid na nadakip ang suspek sa pangunguna ng Tago Municipal Police Station sa ilalim ng liderato ni Police Lieutenant Michael G Quisaot, Officer-in-Charge, at narekober ang  anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 gramo, isang unit ng Smith and Wesson caliber .38 revolver na walang serial number; Php1,000.00 bill bilang buy-bust money; blue sling bag, blue Android phone, at iba pang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

“The arrest of this high-value individual is a testament to our unwavering commitment to cleansing Surigao del Sur of illegal drugs and loose firearms. We will continue to strike hard against those who threaten the peace and safety of our communities,” ani ni PCol Mauricio.

Leave a Reply