Nasabat ang nasa Php884,000 halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Marawi City Police Station sa loob ng MSU Marawi Main Campus, Brgy. Dimalna, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang madaling-araw ng Sabado, Mayo 2, 2026.
Kinilala ni Police Colonel Caezar P Cabuhat, Provincial Director, Lanao del Sur Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Abdul,” residente ng Brgy. Buadi Parba Bito, Marawi City, at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002.
Nabatid na nagpanggap na isang poseur-buyer ang mga awtoridad na naganap sa loob ng isang greenish Toyota Avanza na naka-park sa gilid ng campus library building at narekober ang isang self-knotted transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 101.3 gramo na nagkakahalaga ng Php688,840; isang heat-sealed transparent plastic sachet na tumitimbang ng 29.7 gramo na nagkakahalaga ng Php201,960.00; at marked buy-bust money.
Samantala, pinuri ni PCol Cabuhat ang mga tauhan ng Marawi CPS sa kanilang pagbabantay, dedikasyon, at walang humpay na pagsisikap sa pagpapaigting ng kampanya laban sa iligal na droga, na nakatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.



