Php21.3M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng Davao Oriental PNP; driver, arestado

0
341

Aabot sa Php21,335,000 halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng mga otoridad na nagresulta sa pagkaka-aresto ng isang wing van driver sa ikinasang joint operation sa Governor Generoso, Davao Oriental nito lamang Mayo 1, 2026.

Ayon kay Police Colonel Ritchie S Bucol, Provincial Director ng Davao Oriental Police Provincial Office, ang suspek  ay isang wing van driver na 47 anyos mula sa Tungawan, Zamboanga Sibugay at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10643, Republic Act 6424, at Republic Act 12022.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Governor Generoso Municipal Police Station, PNP CIDG 11, RIU 11, PIU, 2nd DOPMFC, 66IB, PA, PCG Davao Oriental, NBI 11, NISG-EM, and Davao Oriental MARPSTA.

Narekober mula sa wing van ang assorted smuggled na sigarilyo na aabot sa Php21,335,000.

Pinuri ng PCol Bucol, ang mga operating unit para sa kanilang mabilis at koordinadong aksyon, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya sa pagtugon sa mga aktibidad ng smuggling at pagprotekta sa lalawigan.

Leave a Reply