Iniulat ng Police Regional Office 6 (PRO6) na mapayapa at incident-free ang pagdiriwang ng Labor Day ngayong taon sa buong Western Visayas na ginanap nito lamang May 1, 2026.
Ayon sa datos ng PRO6, aabot sa humigit-kumulang 685 raliyista ang nakiisa sa iba’t ibang mga demonstrasyon sa buong rehiyon, partikular na sa Iloilo City, Capiz, at Aklan. Lahat umano ng nasabing kilos-protesta ay nagtapos nang mapayapa nang walang anumang insidenteng naiulat.
Sinigurado naman ng PRO6 na ang pagbibigay ng maximum police visibility sa pamamagitan ng pagtatalaga ng sapat na bilang ng mga tauhan upang magbantay sa kaligtasan at seguridad ng publiko kasabay ng selebrasyon.
Naging susi rin ng katagumpayan ang epektibong pakikipagtulungan at koordinasyon sa iba’t ibang mga local government units, partner agencies, maging ng mga rally organizers upang matiyak ang maayos at payapang kilos-protesta.
“We are grateful to our fellow citizens, advocacy groups, and partner agencies for their cooperation in ensuring a peaceful and incident-free Labor Day celebration. This reflects our shared commitment to uphold public safety while respecting the right of every Filipino to express their concerns in a lawful and orderly manner,” saad pa ni PBGen Josefino D Ligan, Regional Director ng PRO6.
Kinilala rin ni PBgen Ligan ang dedikasyon at propesyonalismo ng lahat ng mga kapulisan sa rehiyon na nananatiling nakaalerto para bantayan ang kanilang mga areas of responsibility kasabay ng nasabing holiday celebration.



