CPNP Nartatez, personal na nanguna sa monitoring ng PNP kaugnay sa Labor Day Celebration

0
415

Personal na nanguna si Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP, sa nagpapatuloy na monitoring ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa selebrasyon ng Araw ng mga Manggagawa ngayong araw, May 1, 2026, kung saan nagsagawa ang ilang grupo ng mga demonstrasyon partikular na sa Metro Manila.

Kasama ng Chief, PNP ang ilang mga PNP key officials na nakatutok sa PNP Command Center upang siguraduhin ang real-time monitoring sa bawat kaganapan sa kabila ng mga ipinagdaraos na kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga ibinibigay na updates mula sa iba’t ibang yunit ng pulisya  ang iba’t ibang mga ground developments, security conditions, at mga crowd activities habang nananatiling nakaalerto ang buong puwersa ng PNP upang tiyakin ang payapa at maayos na pagdiriwang ng lahat ng mga Labor Day-related activities.

Mahigpit namang pinatutupad ng buong hanay ng pulisya ang maximum tolerance, upang maisaalang-alang ang karapatan ng lahat ng mga dumalo sa aktibidad, partikular na ang karapatan nilang magsagawa ng mapayapang pagtitipon.

Tiniyak naman ng PNP sa publiko na mananatiling propisyonal at disiplinado ang lahat ng mga tauhan nito habang ipinapatupad nila ang kanilang mandato nang naaayon lamang sa batas alinsunod sa layunin ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

Leave a Reply