Nasakote ang isang high-value individual sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office 5 (PRO5) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Abril 26, 2026 sa San Benito, Goa, Camarines Sur.
Kinilala ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director ng PRO5, ang suspek na may alyas na “Lorina,” kung saan nakumpiska mula sa kanya ang tinatayang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php170,000.00.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PBGen Miranda ang matagumpay na operasyon at iginiit ang patuloy na pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang ligtas at drug-free na komunidad sa Bicol alinsunod sa hangarin ng himpilan na Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.



