2 suspek, arestado ng PRO8;  mga baril nasakote

0
310
Screenshot

Naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office 8 (PRO8), sa pangunguna ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director, ang dalawang suspek habang narekober naman ang ilang mga ilegal na baril sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa rehiyon noong April 26, 2026.

Unang naaresto ng mga tauhan ng Tacloban City Police Office – Police Station 2 si alyas “Nel”, isang 28-year-old driver at residente ng Tacloban City, na sangkot sa nangyaring robbery incident sa lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na nanutok umano ng baril ang suspek sa biktima na kinilala sa alyas na “Jact,” a 38-year-old at isang fruit vendor, habang naglalakad, kaya agad niyang ibinaba ang kanyang cellphone sa suspek. Narekober ng kapulisan mula sa suspek ang ninakaw na cellphone at isang unmarked .38 revolver na mayroong apat na live rounds ng ammunition.

Sa hiwalay namang operasyon, nahuli ng Can-avid Municipal Police Station (MPS) ang isang indibidwal na nagpaputok umano ng kanyang baril sa Can-avid, Eastern Samar.

Ayon sa ulat, itinawag ng isang concerned citizen  sa pulisya ang suspek na noon ay lasing umano at nagpaputok ng baril sa labas ng kanyang bahay.  Narekober mula sa pagmamay-ari ng suspek ang isang .357 Magnum revolver na may live ammunition at ilang empty shells.

“We will continue to intensify our anti-criminality operations to ensure the safety and security of the communities in Eastern Visayas,” pahayag pa ni PBGen Capoy.

Leave a Reply