PRO CALABARZON, pinalakas ang kakayahan ng mga tauhan sa isinagawang 1-day Mobile Journalism Workshop

0
556

Pinalakas ng Police Regional Office CALABARZON (PRO CALABARZON) ang kakayahan ng kanilang mga Information Officers sa pamamagitan ng isang 1-Day Mobile Journalism at Basic Photography Workshop noong ika-20 ng Abril 2026, na idinaos sa PRO4A MPC Hall sa Camp BGen Vicente P. Lim sa Calamba City. Pinangunahan ito sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Hansel M. Marantan, Regional Director ng PRO 4A, bilang bahagi ng modernisasyon ng komunikasyon ng kapulisan.

Dinaluhan ang aktibidad ng 40 kalahok mula sa limang Provincial Police Offices at 32 personnel mula sa RCADD ng PRO CALABARZON. Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga pulis sa paggamit ng mobile journalism at basic photography bilang mahalagang kasangkapan sa mas epektibong pagbabalita at dokumentasyon ng mga operasyon.

Binigyang-diin ng PRO CALABARZON na mahalaga ang modernong komunikasyon sa pagpapatibay ng Police Community Relations. Sa pamamagitan ng mas malinaw at makabuluhang pagbabahagi ng impormasyon, mas napapalapit ang ugnayan ng pulisya at ng publiko, na mahalaga sa pagpapanatili ng tiwala at kooperasyon.

Sa direktiba ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief PNP, binigyang-diin na ang epektibong komunikasyon ay tulay sa pagitan ng kapulisan at mamamayan upang maihatid ang serbisyong tapat at tunay na nararamdaman ng komunidad.

Source: PRO 4A

Leave a Reply