Php2.4M halaga ng marijuan, nadiskubre at sinunog sa Benguet

0
340

Nadiskubre ng mga operatiba ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ang Php2,400,000 halaga ng mga tanim na marijuana sa isinagawang marijuana eradication sa lalawigan ng Benguet noong ika-28 ng Pebrero, 2026.

Sa Kibungan, pitong plantasyon na natamnan ng 11,500 Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP) na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na Php2,300,000 ang natuklasan ng pinagsanib na puwersa ng Kibungan Municipal Police Station (MPS); 1st at 2nd Benguet Provincial Mobile Force Companies (PMFCs); Provincial Intelligence Unit (PIU); Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU); at Provincial Community Affairs and Development Unit ng Benguet Police Provincial Office (PPO); Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15); Regional Intelligence Unit (RIU)-14; PNP Special Action Force; Special Operations Unit-CAR; at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-CAR sa Barangay Badeo at Barangay Tacadang.

Samantala, sa Bakun ay isang plantasyon naman na may 500 FGMJP na may SDP na Php100,000 ang nadiskubre ng mga operatiba mula sa Bakun MPS, 2nd Benguet PMFC, RIU-14, at PDEA-CAR sa Brgy. Kayapa.

Agad na binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga natuklasang tanim na marijuana sa mismong lugar. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng plantasyon sa mga kalapit na lugar at mapanagot ang mga indibidwal na nasa likod ng ilegal na pagtatanim nito.

Source: Police Regional Office CAR / https://www.facebook.com/share/p/18E5cU7y9s/