PNP, arestado ang trader ng halos Php2M substandard gadgets sa Zamboanga Sibugay

0
458

Sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na kalakalan, muling pinatunayan ng Philippine National Police (PNP) ang matatag nitong paninindigan na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino matapos ang matagumpay na pag-aresto noong Pebrero 19, 2026 sa isang 20-anyos na babaeng negosyante sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ang suspek ay inaresto sa umano’y pagbebenta ng halos Php2 milyong halaga ng mga substandard na cellular phone, tablet, at laptop. Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Zamboanga Sibugay Provincial Field Unit, katuwang ang National Telecommunications Commission (NTC) Regional Office 9 at mga lokal na yunit ng pulisya.

Nakumpiska sa operasyon ang 35 assorted na cellular phone, 10 tablet, at dalawang laptop na may tinatayang kabuuang halaga na Php1,994,340. Batay sa paunang beripikasyon, ang mga nasabing electronic device ay walang kaukulang type approval mula sa NTC, dahilan upang ituring na hindi awtorisado ang pagbebenta at distribusyon ng mga ito sa bansa.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga gadget na walang sertipikasyon ay maaaring hindi pumasa sa itinakdang safety at technical standards, na posibleng magdulot ng malfunction, mahinang signal, o mas malalang panganib gaya ng electrical hazards.

Binigyang-diin ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., PNP Chief, na ang matagumpay na operasyon. Aniya, “Hindi natin hahayaang malinlang ang ating mga kababayan sa pagbili ng mga produktong hindi pasado sa pamantayan. When businesses choose to ignore regulations, they put consumers at risk. We will not tolerate that.”

Dagdag pa ng PNP Chief, “Hindi natin hahayaang malinlang ang ating mga kababayan sa pagbili ng mga produktong hindi pasado sa pamantayan. When businesses choose to ignore regulations, they put consumers at risk. We will not tolerate that.”

Sa huli, muling pinaalalahanan ng PNP ang publiko na tiyaking lehitimo at awtorisado ang mga tindahang pinagbibilhan ng electronic devices at hanapin ang NTC seal at iba pang kaukulang sertipikasyon. Hinihikayat din ang mamamayan na agad ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang agarang maaksyunan.

Sa ilalim ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” nananatiling determinado ang PNP na sugpuin ang mga mapanlinlang na negosyante at tiyakin ang kapakanan ng bawat Pilipino.