NHQ RSSF, nakahanda sa Trillion Peso March at 40th Anniversary ng Edsa People Power  

0
1084

 Nagsagawa ng pre-deployment accounting ang mga bumubuo ng National Headquarters Reactionary Standby Support Force para sa paghahanda sa isasagawang Trillion Peso March sa paparating na 40th Anniversary ng EDSA People Power na ginanap sa Transformation Oval, Camp Crame, Quezon City bandang 7:30 ng umaga nito lamang Lunes, Pebrero 23, 2026.

Ito ay upang masiguro na handa sa anumang deployment sa paparating na 40th Edsa Anniversary ng Edsa People Power sa darating na Miyerkules, Pebrero 25, 2026.

Sa utos ni Police Brigadier General Aladdin M Collado, RSSF Commander, handa at naka-alerto ang NHQ RSSF upang tumugon sa pagpapatupad ng batas, pananatili ng kaayusan at seguridad sa paparating na protesta at pagdiriwang sa kalakhang Maynila.

Pinaalalahanan din ni PBGen Collado, na bilang pulis, hiling nito ang cooperation at collaboration ng bawat isa na may respeto, upang maibigay ang serbisyo publiko para sa bawat mamamayan na makikilahok sa kilos-protesta upang ipahayag ang kanilang saloobin sa ating gobyerno.