Nasabat ang tinatayang Php2.8 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Sitio Kayu Poteh, Barangay Maganda, Lamitan City, Basilan nito lamang Pebrero 21, 2026.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Elmer P. Solon, Chief of Police ng Lamitan City Police Station, nasa 67 boxes ng New Orleans brand na nagkakahalaga ng Php2,866,528 ang nadiskubre na inabandona ng matunugan ng mga suspek ang presensya ng kapulisan.
Patuloy ang Basilan PNP sa pagpapatupad ng batas at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang matuldukan ang anumang uri ng smuggling, matiyak ang ligtas at maayos na komunidad tungo sa pagkamit ng kaunlaran.



