Provincial Most Wanted Person, huli sa operasyon ng Taytay PNP sa paglabag sa RA 9165

0
332

Naaresto sa operasyon ng Taytay Municipal Police Station (MPS) ang isang Provincial Most Wanted Person sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 kahapon bandang alas-1:20 ng Pebrero 9, 2026 sa bisa ng Warrant of Arrest.

Kinilala ni Police Colonel Eleazar Ruga Barber Jr, Provincial Director ng Rizal Police provincial Office, ang suspek na si alyas “Jigs”,  36-anyos na taga Barangay Sta Ana, Taytay, Rizal.

Mahaharap ang nasabing suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, na may inererekomendang piyansa na Php200,000.

Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga tauhan ng Rizal PNP sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HTUu7PPyR/