Motornapping suspect, arestado sa follow-up operation ng SJDM PNP

0
499

Naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS) ang isang suspek sa motornapping matapos ang agarang follow-up operation kaugnay ng insidente na naganap noong Pebrero 9, 2026, bandang alas-2:30 ng hapon sa B2 Phase F, Francisco Homes, Brgy. Narra, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ni PLtCol Reyson M Bagain, Hepe ng SJDM CPS, ang biktima na si alyas “Jr”, 41 taong gulang at taga-Barangay Narra, CSJDM, Bulacan habang ang naarestong suspek ay si alyas “Andy” at residente ng B1 L12 Phase F, Francisco Homes, Brgy. Narra, CSJDM, Bulacan.

Batay sa imbestigasyon, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa harap ng kanilang bahay. Nang kanyang gagamitin ang motorsiklo, nakita niya ang suspek na sakay na nito at mabilis na tumakas. Agad na humingi ng tulong ang biktima sa SJDM CPS na nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakarekober ng ninakaw na motorsiklo na isang Suzuki Raider J na may plate number 1946NT.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10883 o “New Anti-Carnapping Act of 2016”.

“Ang agarang pagresponde at pagkakaaresto sa suspek ay patunay ng mas pinaigting na kampanya ng Bulacan PPO laban sa motornapping at iba pang krimen. Patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang operasyon upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng mga mamamayan sa lalawigan ng Bulacan,” pahayag ni PCol Angel L Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1H3pmr1PMq/