PRO-NIR, nagsagawa ng send-off ceremony para sa 150 pulis na ide-deploy sa Sinulog Festival sa Cebu

0
688

Nagsagawa ng send-off ceremony ang Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) para sa 150 tauhan na ide-deploy sa Sinulog Festival 2026 sa Cebu na ginanap noong Enero 14, 2025 sa Negros Oriental Police Provincial Office (NORPPO) Maringal Hall, Camp Lt. Col. Francisco Fernandez Jr., Barangay Agan-an, Sibulan, Negros Oriental

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Joem Malong, hepe ng Public Information Office ng PRO-NIR, sa 150 pulis na ipinadala, 100 ay mula sa NORPPO at 50 naman ay mula sa Siquijor Police Provincial Office (SPPO).

Ayon pa kay PLtCol Malong na ang mga augmentation personnel ay inatasang mag-report mula Enero 15 hanggang Enero 18 sa iba’t ibang lugar sa Lungsod ng Cebu upang palakasin ang mga operasyong pangseguridad para sa kasalukuyang Sinulog Festival 2026.

Pinaalalahanan din ang mga pulis na manatiling mapagbantay, maagap, at alerto sa pagtugon sa mga isyung pangseguridad, crowd management, at mga sitwasyong pang-emerhensiya sa buong pagdiriwang.

“This collective effort reinforces the PNP’s unwavering resolve to ensure a secure environment, protect lives and property, and uphold peace and order during major national events, allowing the public to celebrate with confidence and peace of mind,” ani PLtCol Malong.

Tiniyak ng PRO-NIR sa publiko na kahit may mga tauhang idineploy upang suportahan ang mga operasyon para sa Sinulog Festival 2026, ang seguridad sa buong Negros Island Region ay nananatiling matatag at payapa.