PLtGen Nartatez, bumisita sa PRO 4A; 80% PNP Trust Rating, kanyang inanunsyo

0
695

Bumisita si Police Lieutenant General Jose Melencio C Nartatez Jr., Acting PNP Chief, sa Police Regional Office 4A sa Camp BGen Vicente P. Lim sa Calamba City, Laguna nito lamang January 13, 2026, bilang bahagi sa kaniyang continuing engagement sa lahat ng mga police units sa buong bansa.

Sa kaniyang pagdating, mainit siyang sinalubong ng mga tauhan ng PRO 4A kung saan binigyan siya ng arrival honors sa pangunguna ni Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, Regional Director ng PRO 4A, kasama ang iba pang kasaping ng PRO 4A Command Group, Regional Staff, Provincial Directors, maging ng mga Chief ng iba pang PNP National Support Units.

Binigyang-diin ni PLtGen Nartatez sa kaniyang Talk-to-Men ang kahalagahan ng iba’t ibang kampanya ng pulisya na striktong ipinapatupad ng himpilan alinsunod sa kasalukuyang Focus Agenda at mantra na“Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”  

Aniya sa pakikipagtulungan ng komunidad mas naipapatupad pa ng PNP ng maayos ang kanilang mandatong panatilihin ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko. Dagdag pa niya na magiging epektibo lamang ang lahat ng mga operasyon ng pulisya kabilang na ang mga patrol operations o anumang uri ng imbestigasyon kapag kaagapay ang komunidad.

Bukod pa rito, binigyang-pagkilala naman ng PNP Top Cop ang sakripisyo ng kapulisan kaya’t inanunsyo din nito ang inisyatiba ng pamahalaan kaugnay sa pagkakaroon ng salary at allowance increase na nakapaloob sa  Republic Act 12314 o ang General Appropriations Act  (GAA) FY 2026 kung saan inaasahang magkakaroon ng dagdag sahod ang lahat ng mga government personnel partikular na ang mga uniformed personnel.

Binigyang-pansin din ni PLtGen Nartatez ang kasalukuyang  80 percent trust rating ng PNP, na aniya ay naging posible dahil sa walang tigil na paghahatid ng pulisya sa publiko ng Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.