PRO8, tumulong sa boluntaryong pagsuko ng dalawang CTG member sa Northern Samar

0
614

Masigasig na tinulungan ng mga tauhan ng Police Regional Office 8 (PRO8), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director ng PRO 8 ang dalawang Communist Terrorist Group (CTG) members mula sa Northern Samar para pormal ng magbalik-loob sa pamahalaan.

Kabilang sa mga nag-facilitate ng naturang pagsuko ang mga tauhan ng Silvino Lobos Municipal Police Station (MPS) kung saan doon sumuko si alyas “Jan,” 36-year-old na magsasaka at residente ng Silvino Lobos, Northern Samar, na kasapi umano sa grupong pinamumunuan ni alyas “Dodo.”

Sa kabilang banda, pinangunahan naman ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company (NSPMFC) ang pagsuko ni alyas “Jason,” 41-year-old farmer at residente rin ng Silvino Lobos, Northern Samar, na pareho ring kasapi sa grupo ni alyas “Dodo.”

“Your commitment to upholding peace and security in our communities reflects the core values of the PNP and sets an example for all officers,” pagpupuri pa ni PBGen Capoy sa mga kapulisang tumulong upang maging posible ang nasabing pagbabalik-loob.

Kasalukuyan namang sumailalim ang mga sumukong rebelde sa mga proseso para sa posibleng enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), ng pamahalaan na layuning mabigyan sila ng assistance at reintegration support sa kanilang pagbabalik sa ating mga komunidad.