Lagpas Php70M halaga ng shabu, nasabat sa Bohol; 2 arestado

0
307

Tinatayang nasa higit Php70 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska matapos maaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek kabilang na ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Tagbilaran City, Bohol nito lamang January 6, 2026.

Dakong alas 11:06 ng gabi nang isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Bohol Police Provincial Office (BPPO), bilang lead unit, katuwang ang Tagbilaran City Police Station (CPS), ang operasyon sa Barangay Dampas ng nasabing lungsod.

Kabilang sa nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa humigit- kumulang 10, 285.6 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php69,942,080, kasama ang mga buy-bust money at iba pang mga non-drug items.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

“This operation sends a clear message that the PNP remains firm and relentless in going after those who profit from illegal drugs. Walang puwang sa ating mga komunidad ang ganitong uri ng kriminalidad. Our personnel will continue to work day and night to protect the public and keep our communities safe,” saad naman ni Police Lieutenant General Jose Melencio C Nartatez Jr., Acting Chief, PNP, na pinuri din ang pulisya sa matagumpay na pagkakaaresto ng mga suspek.

Saad pa niya na bahagi ang naturang katagumpayan sa kasalukuyang PNP Focus Agenda, partikular na sa mas pinaigting na anti-drug campaign maging ng maayos na koordinasyon at intelligence-driven policing sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO).

“These results reflect our commitment to deliver services that are fast, honest, and felt by the people. Ito ang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” dagdag pa niya.