Muling pinatunayan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang matibay na paninindigan laban sa iligal na droga matapos maaresto ang isang dating preso sa matagumpay na buy-bust operation sa Deca Homes Subdivision, Pavia, Iloilo nito lamang ika-6 ng Enero 2026
Kinilala ang pangunahing target na si alyas “Raffy,” isang residente ng Banate at kabilang sa Regional Target List ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Siya rin ay mister ng isang barangay official—patunay na walang pinipiling posisyon o koneksyon ang batas pagdating sa kampanya kontra iligal na droga.
Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang pinaghihinalaang shabu na may kabuuang halaga na tinatayang Php748,000,
Ang buy-bust operation ay isinagawa ng Police Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 6, sa pangunguna nina PLt Oliver Diesta, Team Leader, at PLt Marlon Ibo, sa ilalim ng superbisyon ni PCol Rizalde Caballero, Commanding Officer ng naturang unit.
Ang operasyon ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng PRO 6 na naglalayong sugpuin ang iligal na droga bilang ugat ng kriminalidad, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad, protektahan ang kabataan at mga pamilya mula sa masamang epekto ng droga at palakasin ang tiwala ng publiko sa kakayahan at integridad ng kapulisan.
Binigyang-diin ng PNP na magpapatuloy ang kanilang relentless at intelligence-driven operations laban sa mga sangkot sa iligal na droga, kasabay ng panawagan sa publiko na makipagtulungan sa mga kapulisan.
Sa ilalim ng malinaw na direksyon ng pambansang pamunuan, nananatiling buo ang layunin ng PNP: isang ligtas, maayos, at drug-free na komunidad para sa bawat Pilipino.
Source: Kasanag Broadcast Station
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos



