PRO 5, pinarangalan ang 10 pulis kasabay ng 2026 Ethics Day Celebration

0
311

Pinarangalan ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang nasa 10 mga tauhan nitong nagpakita ng hindi matatawarang serbisyo sa larangan ng police-community relations sa taong 2025.

Ang pagbibigay-parangal ay kasabay sa selebrasyon ng 32nd Philippine National Police (PNP) Ethics Day sa rehiyon na ginanap sa PRO5 Grandstand sa Camp BGen Simeon A. Ola, Legazpi City, Albay nito lamang January 5, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Erosito Miranda, Acting Regional Director ng PRO 5, na ang naturang parangal ay nagpapakita ng dedikasyon ng pulisya sa paghahatid ng serbisyo publiko ng may integridad at disiplina.

Kabilang sa mga pinarangalan ng Medalya ng Ugnayang Pampulisiya sina Police Captain Niño Luzon, Police Chief Master Sergeant Bonifacio Manacob Jr., Police Master Sergeant Yumie Barante, Police Staff Sergeant Zaldy Mirabuenos Jr., Police Staff Sergeant Jose Pacheco, Police Staff Sergeant Jonah Quien, Police Staff Sergeant Angelica Salando, Police Corporal Reymart Briol, Police Corporal Crisol Furigay, at Patrolman Jhay Andrew Alcantara.

Dagdag pa ni PBGen Miranda na ipinakita ng nasabing mga awardees ang misyon ng PRO 5 na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon habang binabantayan ang kapakanan at kaligtasan ng buong komunidad.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1266213