Pagbabawal sa maingay at illegally modified na mga muffler, pinag-aaralan ng PNP

0
629

Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng pagbabawal sa mga motorsiklong gumagamit ng open pipes at illegally modified mufflers para sa karagdagang disiplina sa mga motorista.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Acting Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio C Nartatez Jr., na may iniutos na siyang direktiba sa PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) maging ng iba pang mga Police Regional Offices (PROs) na mahigpit na ipatutupad ang mga batas sa kalsada kabilang na ang mga local ordinances laban sa mga illegal vehicle modifications.

“We are looking at a broader and more coordinated implementation across the country. Ang layunin po natin ay hindi manghuli agad. We want to encourage compliance and help riders understand that vehicle modifications are regulated by law,” saad pa ni PLtGen Nartatez.

Nito lamang pagsalubong ng Bagong Taon, pinaigting ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang operasyon laban sa mga gumagamit ng open pipes at modified mufflers upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na ingay, bilang bahagi sa pagtiyak ng ligtas, payapa at maayos na selebrasyon.

Sa Taguig City, nagpatupad ng “Oplan Sita” ang kapulisan katuwang ang mga barangay security forces sa Barangay Pinagsama upang bantayan ang mga motorsiklong gumagamit ng mga open pipes at modified mufflers. Nagresulta ang nasabing operasyon sa pagkakaaresto ng 15 riders bunsod ng paglabag ng mga city ordinance, kabilang na ang pagkakumpiska ng limang illegal exhaust systems.

“We view open pipes not just as a traffic issue but as a public safety and public order concern. Ang sobrang ingay ay nakakaistorbo sa komunidad lalo na sa residential areas, hospitals, at schools,” ani pa ni PLtGen Nartatez.

“We understand the sentiments of motorcycle riders. Hindi po ito anti-rider policy. Ang gusto lang po natin ay safe, legal, at responsible riding,” dagdag pa niya.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1266201