Php2.3M halaga ng ilegal na droga, nasamsam ng SPD; 78 katao, arestado

0
496

Nasamsam ng Southern Police District (SPD) ang tinatayang Php2.3 milyong halaga ng ilegal na droga, at naaresto ang 78 indibidwal sa isinagawang isang linggong anti-illegal drug operations mula Disyembre 15 hanggang 21, 2025.

Ayon kay Police Brigadier General Randy Arceo, SPD Director, kabilang sa mga naaresto ang tatlong High Value Individuals (HVI) at limang Street Level Individuals (SLI) matapos ang sunod-sunod na intelligence-driven operations ng mga police station sa Southern Metro Manila.

Nakumpiska sa mga operasyon ang 316.81 gramo ng shabu, 199.3 gramo ng marijuana, at 130.81 gramo ng kush na may kabuuang Standard Drug Price na Php2,356,394 ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Binigyang-diin ni PBGen Arceo na patunay ang mga nasabing operasyon sa matatag na paninindigan ng SPD sa pagbabantay sa kaligtasan ng komunidad sa pamamagitan ng pinaigting na pagpapatupad ng batas, mas matibay na inter-agency coordination, at aktibong partisipasyon ng komunidad. Pinasalamatan din niya ang publiko sa patuloy na kooperasyon at pagbibigay ng impormasyon na nakatulong sa tagumpay ng mga operasyon.

Source: https://mb.com.ph/2025/12/23/spds-anti-illegal-drugs-operations-net-p23-m-narcotics