PNP-HPG, nasabat ang Php143M halaga ng puslit na sigarilyo sa Quezon City

0
635

Mahigit 2,000 kahon ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php143 milyon ang nasabat ng Highway Patrol Group (HPG) sa Quezon City noong Miyerkules, Disyembre 17, 2025.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, sakay ang mga kontrabando sa dalawang trailer truck na hinarang ng HPG sa kahabaan ng G. Araneta Avenue matapos mapansing walang plakang nakakabit. Nagmula umano ang kargamento sa Bauan, Batangas at patungo sana sa Valenzuela City.

Kaagad na nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Bureau of Customs at iba pang ahensya para sa mas malalim na imbestigasyon at paghahanda ng kaukulang kaso laban sa mga sangkot.

Dagdag pa ni SILG, tatlong indibidwal ang inaresto matapos umanong mag-alok ng Php5 milyon kapalit ng pagpapalaya sa nasabat na kargamento, na lalong nagpatibay sa mga ebidensya ng ilegal na aktibidad.

“Let me be clear: this administration will not allow our highways to be used as corridors for illicit trade, nor will we tolerate attempts to corrupt public servants enforcing the law,” diin ni SILG Remulla.

Source: https://www.philstar.com/nation/2025/12/20/2495535/hpg-intercepts-p143-million-smuggled-cigarettes

Photo Courtesy: Pilipino Star Ngayon